It was hard being gay during our time. Nandiyan yung lagi kang iniinsulto ng mga kapitbahay at mga kaklase. Sasabihan kang wag pabakla-bakla ng pamilya. Ikaw na ang mag-aral sa isang all-boys Catholic school na nagtuturo ng tolerance at pagiging "MAN FOR OTHERS", pero hindi naman isinasabuhay ang mga ito ng mga namamahala. I was one of those that were oppressed.
Hindi katulad ngayon na unit-unting tinatanggap ang pagkabakla sa lipunan. Nakakainggit. Ang tinatamasang kaluwagan sa lipunan ng makabagong salinlahi ng mga bakla ay dahil na rin sa pagsisikap ng mga katulad naming naghirap din sa pagtaguyod ng pagtanggap sa mga katulad natin.
I must admit though, that I am not out yet. I, however, have accepted my life a long time ago. Mahirap magladlad lalo na sa mga taong makitid ang utak at nabubuhay sa mga makalumang pag-iisip. Sa mga katulad ko, ang pinakamabuting gawin at tumira ng pailalim: ipakita na ang mga katulad natin ay mas maraming kayang gawin sa kanila.
Ang post na ito ay isang pagsaludo sa mga bakla ng nakaraan, sa mga nilalang na ninais lamang mabuhay ng masaya.
Sa mga kapitbahay kong nangalipusta noon, at gusto nilang pansinin ko sila ngayon: magdusa kayo.
Sa mga beki ng susunod na salinlahi: humayo kayo at maging masaya, but remember those unsung heroes who have fought society's norms to give you your freedom.
Ang post na ito ay naimpluwensyahan ng mga pelikulang Markova at Here Comes the Bride.
5 comments:
I would like to thank you and the others who have paved the way for narrow-minded people to see that we are not MERE gays, we are THE gays. People who are capable of being better at what they do.
Although discrimination is still a bitch, there is hope. We can feel it.
nice post!it is true na iba n panahon now,mas malayo na tayong mga bading...sana mas maging malawak pa isipan ng mga pinoy sa mga susunod na panahon...
thank you guys...
Sa kasamaang palad, ang mga makabagong bading ay kadalasang kahalayan lamang ang unang inaatupag...
yun lang ahehehehe
Post a Comment